kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y minamahal
sana'y maunawaan mo
na ako'y isang mortal
na hindi ko kayang abutin
mga bituin at buwan
di kaya ay sisirin
perlas ng karagatan
kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y iniibig
sana'y maunawaan mo
na ako'y taga-daigdig
kagaya ng karamihan
karaniwang karanasan
dala dala kahit saan
pangaraw-araw na pasan
ako'y hindi romantiko
sa iyo'y di ko matitiyak
na 'pag ako'y kapiling mo
kailan may di ka iiyak
mga magandang hinaharap
sikapin nating maabot
ngunit kung hindi pa maganap
sanay wag mong ikalungkot
kapag sinabi ko sa iyo
na ika'y sinisinta
sana'y ibigin mo ako
mulat ang iyong mga mata
kayamanan kong dala
ay pandama't kamalayan
na natutunan sa iba
na nabighani sa bayan
halinat ating pandayin
isang malayang daigdig
upang doon payabungin
isang malayang pag-ibig
kapag sinabi ko sa 'yo
na ika'y sinusuyo
sana'y yakapin mo ako
kasama ang aking mundo.
========== at maraming salamat po kay manong for the concern. hehehe. ;)
a dreamer. pseudo-philosopher. writer. engineer. artist. filmmaker. atheist. lesbian. taken. happy in love. non-smoker. repressed social drinker. simple. petit. sensitive. middle child. acrophobic. cranky. sleepyhead.
~ i like... ~
traveling. reading. nature-tripping. techy stuff. music. weird people. animé. documentaries. art films. mushrooms. jamaican patties. ice cream. milkshake. coffee. the simple things in life.