|
kapag sinabi ko sa iyo ni gary granada kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal na hindi ko kayang abutin mga bituin at buwan di kaya ay sisirin perlas ng karagatan kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig kagaya ng karamihan karaniwang karanasan dala dala kahit saan pangaraw-araw na pasan ako'y hindi romantiko sa iyo'y di ko matitiyak na 'pag ako'y kapiling mo kailan may di ka iiyak mga magandang hinaharap sikapin nating maabot ngunit kung hindi pa maganap sanay wag mong ikalungkot kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta sana'y ibigin mo ako mulat ang iyong mga mata kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan na natutunan sa iba na nabighani sa bayan halinat ating pandayin isang malayang daigdig upang doon payabungin isang malayang pag-ibig kapag sinabi ko sa 'yo na ika'y sinusuyo sana'y yakapin mo ako kasama ang aking mundo. ========== at maraming salamat po kay manong for the concern. hehehe. ;) |
| Leave a Comment: |